Tuesday, December 08, 2009

Kamusta?

Ok na ako ngayon. :)


Hindi andun pa din ang inis. Siguro para mawala ito. kailangan ko lang ang sabihin ang totoong naramdaman ko.

I need to talk to the parties involved.

Monday, December 07, 2009

Devalued

naiinis ako. Naiinis ako. naiinis ako. naiinis ako..naiinis ako...naiinis ako...naiinis ako. naiinis ako..naiinis ako...naiinis ako.. naiinis ako.. naiinis ako. naiinis ako...naiinis ako. naiinis ako. naiinis ako...naiinis ako..naiinis ako...naiinis ako...naiinis ako.



Ewan ko ba...Pinapa-high blood ako ng mga batang ito. Lalo na sa dalawang yun. Badtrip na talaga ako. Sobra. Hinga. Hinga. Hinga. Hinga.


Minsan naiisip ko kung bakit ba ako naiinis. Siguro dahil sa binalewala na naman ako. At feeling ko na-left out ako. Kahit naman sino...ayaw ng ganun feeling. Na maleft out ka. Humabol ka naman eh. Kaso dahil sa mga di maipaliwanag na kadahilanan...siguro hindi lang nakatakdang mangyari.

Yeah kasalanan ko na nalowbat ako. Ang tanga ko kasi nagdala ako ng phone na palowbat na.

Alam ko di sinadya. Or kung sinadya that's worst. I don't want to think about it. Naiinis lang ako. Hindi matanggal. Hindi ko alam kung bakit. Ayoko ng kausap. Sasabog ako. Pakshet.


Hindi na ako nakapag-lunch dahil sa inis ko. Sa sobrang negativity ko ngayong araw na ito, ang lahat ng mga parte ng katawan ko sumasakit na. Ang power nga naman ng thoughts and negative emotions. Alam ko sya. Na-acknowledge ko sya.

I just hate that I that they let me feel that I am not important. Mahalaga sa akin oras ko. Pero kung di nila kayang i-value yun....yun and hindi ko makayanan. Hindi ko kayang tiisin. Kaya ko ang magtiis at i-accept ang iba't ibang values ng mga tao. Pero di ko rin alam kung bakit hindi ko ito kinaya. Sumabog ako sa inis. At hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit naiinis pa rin ako.


Kailangan ko lang magpalipas. I just can't accept sorry now. Sobrang taas ng emosyon ko. Sobrang taas ng feeling ng inis na ito. At hindi ko kayang tumanggap ng katwiran. I just felt devalued.

I know hindi nila intention yun. And I want to believe it. Kahit iba pa ang naiisip ko.

Wala lang. gusto ko lang ilabas ang lahat ng ito. Dito ko lang naman ito pwedend i-rant.

Bye.

Monday, November 30, 2009

Shared Thoughts.

I don't want to nag here. But when I see things going right again esp in my friends' relationships, I am starting to feel better and light. Siguro iniisip ko...hindi ko man maayos na maging "romantic" ang story ko...Sa iba pwede ko magawa yun. Makakangiti ako dahil may happy ending ang iba. Para sa akin hindi naman yun pagiging bitter...that's being fair to the world. At least these friends I'm talking gave me this piece of happiness that I haven't felt yet and hoped for...well until now.

But sometimes I know na minsan OA na ako sa reaction. I mean hindi naman ako dapat masyadong nakikialam pero ginagawa ko pa din. Kung makikilala nyo ako nung college...mas grabe ako noon, meron lang akong feeling na kailangan kong ayusin "sila"...esp kapag malapit tlaga silang dalawa sa heart ko. Sometimes I won...and most of the times I fail. Naghihiwalay sila...They are not friends anymore but the ex-couple are still my good friends.

In short, marami akong ganun friends. :) Hehe. I have seen how both the guy and the girl undergo the same painful, confusing process. Mag-imagine na lang kayo na ako ang mediator. Nakakakuha nga ako ng happiness from them...they also have a way of draining me and leaving me lifeless. Plus pa dun mga lessons they learned from those painful events. I learned them din..Package yata yun na nakukuha mo sa patok na product na "Friendship"? hehe.

Why am writing this?

I have this friend who likes another guy. Eh committed na ito. From this point in time, I saw things...It is unfair..it is confusing...But I decided na hindi makialam sa dalawa kong kaibigan ito (the guy and girl) I value relationships but I also value my friend's privacy. Hindi na ako pwedeng makialam ngayon. Not now...

Pero aaminin ko na meron pa rin times na I am tempted...Haay. Pero...Control rin lang. Mahal ko naman sila pareho. Sana in time, and in God's time marealize din ng kaibigan ko ang mga bagay bagay.

Tama na nga ito...Gusto ko lang maglabas ng laman ng isip ko. :)

Good morning :)

Thursday, November 19, 2009

Stress and Grace

Haay. Kanina stress na stress talaga ako. Sobrang dami ng iniisip ko. Pero do you know kung ano talaga ang reason ng pagi-inarte ko te? Haay. Marami akong gustong sabihin na di ko masabi. Yun yun.



Office Story... Walang kakuwenta-kuwenta pag tungkol sa opisina ang isusulat ko sa article na ito. Basta kanina nagsabay sabay lang. Di ko nga alam kung PMS ito o ewan. Basta kanina, ayoko kumausap ng tao. Naiinis ako. Yun. Basta ang hirap.

Marami akong kailangan pagdesisyunan this week at kailangan kong kumausap ng mga tao. Mahirap pala maging manager, isang napakabigat na responsibility pala talaga ang mapunta sa posisyon ito. Ngayon lang week na ito, kailangan ko i-compose ang thoughts ko, alisin ang emosyon at magdadasal ako to come up with right decision. I need to say the words they need to hear. Ako at tanging ako lang ang makakapagsabi nun sa kanila. Mahirap yun gawin sa parte ko. But they need to hear it. Nalilito pa rin ako actually. Pero...ok. I need to do it.

(Kung nalilito na kayo sa article na ito, pwede na kayong tumigil at kalimutan ang blog na ito forever. Kidding....)

Update: Nasabi ko ang mga gusto kong sabihin. And hopefully and I think they understand. :) I'm happy and at peace now. Balik sa dati. After all it is all work. At the end of the day...work ends and still friendship remains. Yun ang importante sa akin. Relationships. I value them.

Thank God. Dahil alam ko answered prayer ulit yun. :) We all learned from both mistakes. Super super super thanks. :)

Oh work na.

Tuesday, November 17, 2009

Love, when will you find me?

Where will I find you?

Ok please stop reading kung ayaw nyo ng marinig at mabasa ang mga susunod na sasabihin ko.
Babala: Parang maze at hindi nyo ito maiintindihan. Dahil wala naman tlaga akong balak ipa-intindi ito sa inyo. Hehe. :)

Ok simula na.

Everytime I look into some of my couple friends, natutuwa at kinikilig ako sa kanila. Sometimes, I envy them, they have that love story that I want. Minsan pa nga habang tinitingnan ko sila, kinakausap ko ang Diyos, "Lord make me count the blessings that I have right now." Ayoko pangunahan ng inggit at lungkot ang heart ko. Sawa na ako dun...Maiba naman...Haha. Gusto ko lang maging masaya at maging positive pa din. Ito lang ang meron ako. Kung malulungkot pa ako, ano na ang mangyayari sa akin.

In short, natanggap ko na hindi ko naman kayang madaliin ang mga bagay bagay. Ang love di daw yan hinihintay...dumadating lang. Namaannn. Ang tagal naman dumating? Saan probinsiya ba sya nanggaling? Nakaka-frustrate maghintay. Alam nyo naman lahat yan. At pasensya naman.

Wala lang nakakainggit lang talaga. Tao lang ako no. Minsan pinagdarasal ko, bigyan mo naman ako ng maganda love story Lord. Kahit isa lang. Yung maalala ko forever. Well I have a lot of love stories naman. Meaning they are all painful, happy naman start...yung gitna...siyempre kilig. Pero yung climax yun sobrang traumatic...meaning most of my stories ay sad ang ending. Wala pa akong happy ending na makukuwento sa inyo. Yun lang.

Gusto ko lang mag-rant. Ito naman ang silbi ng space na ito right? Hehe. Tanggap ko na naman ang lahat. Minsan gusto ko isipin na gusto ako ni Lord mag-madre, maybe dun ko makikita ang love story na gusto ko. I can't find it kasi ngayon. Or am I just being so impatient?

Pero alam ni Lord, na siyempre eh gusto ko pa rin maging mommy at magkapamilya. My greatest dream ngayon. Pero how on earth na mangyayari yun? Eh halos lahat ng guys eh naiilang na lumapit sa akin pag sinasabi ko ang trabaho ko. This job is a blessing para sa akin at ayaw kong isipin na dahil dito ay hindi nila ako malalapitan. Iniisip ko na lang hindi ganun katindi ang pagnanais nila makilala ako. Eh anong gusto nilang sabihin ko, janitress ako. Pambihira talaga ang ego ng lalaki. Wala akong masabi. Hihi.

Anyways, balik tayo sa parating payo ng mga kaibigan ko. "Ang love hindi yan hinahanap....dumadating yan." Sana mahintay ko pa nga ang love na ito. Hehe. Alam ni Lord kung gaano ako naghintay, nagtiyaga, sumugal...Tanggap ko na naman ang lahat ng posibleng mangyari sa akin. I trust him my life now. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pero bahala na sa akin si Bro. :) Kailangan ko lang i-live ang life ko one day at a time. Nariyan talaga ung mga inggit paminsan-minsan (pasensya na). Doon naman talaga nasusukat kong contented ka eh. Alam ni Lord, I want the other kind of life. And I know, tinitest nya ako kung hanggang saan ang kaya ko ipagkatiwala sa kanya. Sana I would survive the test.

Kuntento na naman ako ngayon. Actually, hindi ko pa rin kasi kayang isipin na meron iba ako na i-entertain. Medyo nagpapagaling ako eh. Kagagaling ko lang kasing war. I still have a lot of open wounds that only time, space and right meds can heal. At siyempre, I wish ma-heal din yung emotional trauma ko. Yun kasi talaga yung pinakamahirap matanggal sa akin. I really hope it will heal fast.

Pero open naman ako. Pero ewan ko ba, mas mahirap yata ngayon. Hindi kasi ako ordinaryong babae. May superpowers ako. Haha. Malakas ako mang-asar at hindi ako nagpapatalo. I'm overworked, I'm not so mahinhin. First impression pa sa akin...mataray ako...dahil siguro sa facial features ko. Wahaha. Ngayon na nga lang medyo naayos ang mukha ko. Kung nakita nyo ako before...baka di nyo ako makilala. Distorted kasi ang mukha ko noon.

Haay...bumalik tayo sa love. Ibang story ang dahilan ng distortion ng mukha ko.


Isang kakaiba at may superpowers din na lalaki ang pwedeng makatalo sa akin. Yung makakatiis sa akin at makakatanggap sa akin. Yung magsisipag na kikilalanin ako. Yung magpaparamdam na ako (well kahit hindi totoo...ahahha) ang pinakamaganda sa paningin nya. Siya ang kukumpleto sa storya ko. At sa happy ending ng lovestory ko sa wakas. Siya yung taong bulag na nakakakita ng love ko sa kabila ng lahat ng pinapakita kong pangit sa kanya. Siya yung kaibigan ko muna bago ang lahat. Siya yung taong mai-inlove sa akin talaga ng bonggang bongga!

Ang tagal ko na syang hinihintay.

Love, when will you find me?